TRIANGLE of the Other-Side.
"Kapag laging utak ang pinapangibabaw mo, magiging malupit ka, sumagwan ka sa ilog ng emosyon at mataa tangay ka ng agos. Palayain mo naman ang iyong mga hangarin at di ka mapakali sa iyong pag kakakulong."
"Sa hirap ng buhay wala kang magagwa kung di magpakaginhawa sa taghirap."
"Alisin sa mundo ang mga problemang nagpapahirap sa buhay sa halip ay ilarawan ang isang daigdig na punong puno ng biyaya at pagmamahal. Magkakaroon ka ng musika, ng isang b larawan, o tula, o istraktura...sapat ng ilarawan sa isip at magkakabuhay ang tula,, magkakahimig ang awit. Sapat ng magkaroon ka ng gantong pananaw sa buhay at ang marumit bulgar na mundong itoy magiging malinis at maganda sa mga mata ng iyong kaluluwa."
"Tulad ng liwanag at dilim na magkabilang tabi ng iisang bagay, saan man may liwanag ng araw, tiyak na may anino. Sa kailaliman ng kaligayahan naroon ang kalungkutan; at kung lalo kang maligaya lalo ding matindi ang sakit. Subukan mung ihiwalay sa lungkot ang tuwa at mawawalan ka ng kapit sa buhay. Itabi mo naman ang mga ito sa isang sulok at guguho ang iyong mundo. Ang pag ibig na nakaktuwa pero kapag nagkapatung patong ang mga kagalakang ito hahanap hanapin mo ang araw noong hindi mo pa kilala ang tuwa. "
( some excerpt from Natsume Suseki's "Tatsulok na Daigdig" )
Comments
Post a Comment